Bakas ng Balikatan sa Bikol
Pebrero 20 ng taong kasalukuyan, tinahak namin ang malayong lugar ng Baranggay Balanac sakop ng lungsod ng ligao, sa lalawigan ng Albay. layunin namin na makumperma at imbestigahan ang napaulat na umano'y paglabag sa Karapatang pantao sa dalawang pamilya sa nasabing lugar, at ito nga ang aming nadatnan, isang sunog na bahay na tanging haliging uling na lang ang natira.
Bago pa man ako nagdisiyon na pomunta sa lugar, napakinggan ko rin sa mga interbyu sa mga Radyo o sa lokal na Media ang magkaibang bersiyon ng pahayag ng dalawang tagapagsalita ng Armed Forces Of the Philippines (AFP) na si Col, Ariel Bernardo, at Col, Romeo Ayson.
Ayon sa pahayag ni Cor, Bernardo. nakatanggap umano sila ng information mula sa kanilang aset na mayroon umanong ginaganap na pulong pulong ang mga rebelde sa bahay ng mga biktima. at ng makita umano nito ang tropa ng AFP ay agad na nagtakbuhan ang mga rebelde habang ito ay nagpapaputok ng kanilang mga baril, at hinala umano ng mga Army na sa mga rebelde galing ang Grenade Launcher na tumama sa bahay ni Henry Polbirido na siyang naging sanhi ng pagkasunog nito, at pagkamatay ng isang 2 taong gulang na batang babae, at pagkasugat naman ng anim na iba pa.
Sa bersiyon naman ni Col, Romeo Ayson, sinabi nito sa lokal na Media na umano'y nagsasagawa sila ng Community works, at mga pagpupulong pulong sa lugar ng pasabugan ito ng mga rebelde. hindi magkatugma ang mga pahayag ng mismong nasa panig ng AFP.
Sa aming pag iimbistiga, sinikap naming marating ang malayong lugar ng baranggay balanac, at personal kung nakausap ang ilang mga residente doon at ilang Baranggay opisyal. hindi pa man ako nakakapag umpisang magtanong, naglabas na ng kanilang saluobin ang mga baranggay opisyal ng Balanac. ayon sa kanila, maling mali ang naging pahayag ng AFP lalo na sa ipinagmamalaki pa daw nito na ang AFP ang gumawa ng paraan para madala sa Ospital ang mga Biktima. gayong ang mga opisyal umano ng baranggay ang nagsikap na maibaba sa bundok ang mga biktima at dalhin sa Ospital.
Ayon sa mga opisyal, wala silang nakitang mga rebelde sa lugar ng araw na iyon. at tanging ang presinsiya lang umano ng Tropa ng Militar ang kanilang nakita sa pangunguna ng isang nagngangalang Sgt, Flordeliza, kung hindi ako nagkakamali ayon sa pagkakabanggit ng mga opisyal, isang patunay daw umano na kinuha pa ang kanilang mga pangalan habang sila ay papunta sa Chapel para mag ayos at linisin ito dahil sa paghahanda sa nalalapit na kapyestahan sa Purok 5 ng baranggay.
mula sa matataas na bundok, pinuntahan namin ang mismong pinangyarihan ng pagsabog. doon nakita namin ang bakas ng karahasan, wala kaming nakuhang anumang bagay na maaring maging ibedensiya na nagkaroon nga ng gantihan ng putok. hindi po ako ekperto sa ganitong uri ng pangangalap ng ibedensiya, subalit sa aking nakita, galing lamang sa iisang side o panig nagmula ang mga putok, ito ay dahilan sa aming nakuhang mga basiyo ng bala, at iba pang gamit sa digmaan na kung saan doon nakapusisyon umano ang tropa ng AFP. makikita po sa aking profile ang mga larawang aking kinuha habang naroon kami sa lugar.
Subscribe to:
Posts (Atom)
No comments:
Post a Comment