Ito ang aking Karanasan

March 28, 2009. dakong alas 11:45 ng umaga sa Legazpi City Airport, habang ginagampanan ko ang aking tungkulin bilang isang mamamahayag para kumpermahin ang mga napapaulat na pagdating ng dalawang Chinoc Helecopter ng US-Marine sa naturang paliparan, kinuhanan ko ito ng larawan sa layuning maipublish ko ito sa aking lokal na pahayagan, ang Bicolandia Tabloid, at magamit na rin sa aming Online Media, ang The Examiner online. Nilapitan ako ng aabot sa 7 na hindi unipormadong kalalakihan, pumusisyon ito ng paikot sa akin habang pasimpling pinagkukunan ako ng picture sa kanilang mga Cellphone.

Ng akma akung lalayo sa kanilang pusisyon, agad akung hinawakan ng isa dito at sinabing " sumama ka sa amin" sabay na rin ng paglapit ng iba pa, pilit kinuha sa akin ang aking ID sabay sabing hindi daw ako totoong Media, may nagreklamo daw sa akin na isa ring Taga Media na umano'y nakukunwari lang akung Media.

 Agad ko sa kanilang hinanap ang pormal na reklamo, sinabi ko na kung may pormal na reklamo sa akin, ipakita nila at ito ay handa kung harapin, dahil may abugado naman ako, tinangka kung tawagan ang aking abugado, subalit pinagbawalan nila akung gumamit ng Cellphone, habang ang isa sa aking likuran ay pilit kinukuha ang aking dalawang Cellphone, at tinangka pa nitong kunin sa aking bulsa ang aking Camera. sinabi ko rin sa kanila na kung mayroon silang court order na pwede nilang kumpiskahin ang aking mga personal na gamit saka ko lang sa kanila ibibigay.

Habang nag uusap kami ng kanilang team lider, mula sa aming likuran, naririnig ko ang boses ng isa dito," Padali-dalia na so Van ta isakay ta na ini" ibig sabihin pamadaliin na ang van para maisakay na kaagad ako. kung saan ako planong dalhin ay yun ang hindi ko na alam.

 Halos 45 minutes nila akung pinaghold at inimbistigahan sa Airport, habang hinihintay nila ang kanilang sasakyan na Van, habang nag uusap kami ng team lider naitanong nito kung sino ang pwede kung tawagan na taga media na makapagpapatunay na ako nga ay taga Media din, ng mabanggit ko ang pangalan ni Darlan Barcelon, publisher ng the Examiner, at isa pang Reporter ng DWRC FM, si Andy Madrigalejo saka lamang nila ako pinayagan na gumamit ng Cellphone,ang sabi ng team lider, " Sige kahit sino diyan sa dalawa ang matawagan mo, tawagan mo na, para matapos na ito, saka lang ako nagkaroong pagkakataon na tumawag maging sa aking abugado na si Atty, Vicente Judar.

Matapos na makontak ko si Darlan Barcelon, may dumating na isa ring taga Media, si Mike Joucian, Cameraman ng GMA7 at hindi ako nito iniwanan hanggang sa hindi dumating ang aking tinawagan na si Darlan Barcelon. ng dumating si Darlan, saka lang paisa isang nawala ang mga taong humuli sa akin.

No comments:

Post a Comment